top of page

Katutubong Dumagat Sa Bulubundukin Ng Isabela, Binisita Ni Princess Sunshine Amiral R. Magdangal


Malaking kasiyahan ang naramdaman ng mga Dumagat na madalas natatagpuan sa Centro, Dinapigue, Isabela, Luzon Island.

Ito ay matapos bumisita ang Sultanate of Maharlika Princess Sunshine Amirah R. Magdangal para simulan ang kanilang "Community Center."

Ang mga Dumagats mula pa sa sinaunang panahon ay kilalang mga "nomadic" o mga walang permanenteng tirahan.

Sila ay umiikot sa iba't-ibang mga gubat, dagat o pamayanan para magkaroon ng pagkain.

Sa kasalukuyang modernong panahon, ang mga Dumagats ay umiikot sa iba't-ibang parte ng Northern Isabela.

Nabubuhay sila sa pangangaso, pangingisda o paghukay ng mga ugat pananim o "root crops."

Humigit kumulang 97,000 hectares ng kabundukan at kagubatan ang iniikutan ng mga Dumagat.

Bagamat walang eksaktong bilang ang mga Dumagats ang halos 2,000 ay makikinabang sa isang Health Center European Funded Hospital, Community Center na ipinatayo ni Maharlika Sultanate Princess Sunshine Amirah R. Magdangal.

Ang mga katutubo ay lubos ang kasiyahan dahil pinasimulan na ang Housing Projects, Livelihood, Worship Area, Palengke.

Ayon kay Princess Sunshine ito ay isang kumpletong "COMMUNITY CENTER" na handog sa kanila ng

Royal Supreme Sultanate Of Maharlika & North Borneo Islands.

Who's Behind i-Scene TV
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page