top of page

Prinsesa Ng Royal Supreme Sultanate Of Maharlika & North Borneo Islands Ginawaran Ng Parangal Mu

  • Gilbert S. Diño
  • Feb 15, 2017
  • 1 min read

Tatlong prestihiyosong parangal ang ipinagkaloob ng Alliance Of Chaplains For Transformation Society (ACTS) at International Academy Of Leadership & Management kay Dayang Sunshine Amiral R. Magdangal, Prinsesa ng Royal Supreme Sultanate Of Maharlika & North Borneo Islands.

Nakamit ng Prinsesa ang naturang parangal bilang pagkilala sa mga ipinakita o nagawa niyang pagbibigay tulong sa ating mga kababayan na maralita.

Aktibong nakikiisa si Dayang Sunshine Amiral sa mga pang sibikong pagkilos ng iba't ibang samahan.

Ang naturang pagtitipon o paggawad parangal ay ginawa sa Manila Hotel noong Pebrero 8, 2017 kung saan siya din ang napiling pangunahing tagapagsalita sa okasyon.

Isinusulong ng Sultanado ang isang PAYAPANG PARAAN ng PAGKAKAISA o PAGKAKASUNDUAN sa lahat ng sektor ng lipunan.

Naniniwala sila na hindi kailangan ng armas o gulo para makamit natin ito.

Isa pa sa pangunahin layunin ng Sultanado ang pagbabalik sa lahing Pilipino bilang Maharlikang Lipi na kinikilala at iginagalang ng buong mundo bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila, Amerikano at Hapon.

Maibalik sa ating lahat hindi lang ang katawagang MAHARLIKANG LIPI kundi ang tunay na pakahulugan nito, liping may dangal kabutihang loob sa kapwa at pagkilala o takot sa Panginoon.

Who's Behind i-Scene TV
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page