top of page

Labi Ni Direk Butch Bautista, Naihatid Na Sa Huling Hantungan


Naging madamdamin ang mga huling eksena ng tanyag na pulitiko at Alagad ng Sining ng pelikula na Ama ni Mayor Herbert na si Direk Butch Bautista, sapaghahatid sa kanyang huling hantungan.

Ikinagulat ng marami ang pagpanaw ng 82-anyos na dating direktor at actor.

Araw ng Linggo nama-alam si Direk Butch, February 12, 2017, matapos ma-stroke.

Dumog ang mga supporters, kaibigan, kamag-anakan kapwa politiko ni Mayor Bistek, lalo na sa necrological services, dumalo ang mga anak ni Direk Butch na sina Mayor Herbert, Councilor Hero Bautista at actress-producer na si Harlene Bautista.

Matatandaang, Dekada Singkuwenta nang makilala si Direk Butch kasama ang grupong "Lo Waist Gang," na kinabilangan ng namayapang King of Philippine movies na si Fernando Poe Jr.

Sumabak din sa pulitika si Direk Butch at naging konsehal ng District 4 ng Quezon City.

Maging ang paghatid kay Direk Butch sa kaniyang huling hantungan sa Holy Cross Memorial Park sa Quezon City ay dinumog ng maraming tao.

Halos walang patid ang pila ng mga nakiki-isa sa lungkot ng pamilya, ginawaran ng parangal bilang politiko si Direk Butch sa necrological services na ginanap sa Quezon City Hall.

Dito rin ang pagkakataon ng mga dumalo na sariwain ng mga malalapit na tao sa Pamilya Bautista ang napamaraming magagandang alaala nila para kay Direk Butch.

At sa gitna ng pagdadalamhati nagpasalamat naman ang pamilya sa mga nakiramay at nagpakita ng pagmamahal sa sandali ng kanilang pangungulila.

Who's Behind i-Scene TV
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page