Magagandang Uri Ng Bulaklak At Pangkabuhayan Tampok Sa Orchid Show

Ang Philippine Orchid Society ay magkakaroon ng kanilang ika-71st taon na pagdaraos ng orchid and garden show simula sa ika-25 ng Pebrero hanggang ika-7 ng Marso sa may Hardin ng mga Bulaklak ( Flower Garden ) sa loob ng Quezon Memorial Circle sa lungsod Quezon .
Ang tampok sa taunang pagdaraos ay magkakaroon ng patimpalak sa orchid landscape , ornamental plant landscape , flower arrangement , dish garden at magkakaroon din ng bazaar doon sa mga nais na makabili ng magagandang uri ng mga orkidyas , halaman, paso, abono , buto ng iba't-ibang klase ng mga gulay , prutas at bulaklak.
Magkakaroon din ang mga tampok na lecture , workshop at seminar para doon sa mga gustong malaman ang mga bagong teknolohiya sa paghahalaman at mga pamamaraan ng pangkabuhayan.
Para doon sa mga interesado pumunta sa show , may kaunting entrance fee na halagang Php 30 para sa pangkalahatang publiko at mayroon pong diskwento na
Php 20 sa mga estudyante at senior citizens na mayroon dalang valid Id.

Para sa karagdagang tanong ukol sa darating na garden show, maari pong tumawag kay:
Bb. Jenny F. Rivera (Kalihim ng Opisina )
0917-8485468 / 929-44-25 / 957-35-24