Adbokasiya ng DV Boer Farm / The People's Farm

Ang DV Boer Farm ay matatagpuan sa Balibago bayan ng Lian , Lalawigan ng Batangas. Ito ay hango sa pangalan ni Ginoong Dexter A. Villamin na ilang taon nagtrabaho sa isang tanyag na hotel sa Maynila at nag-ibang bayan para maghanap ng mas magandang hanap-buhay .

Talambuhay
Nagsimula mag-aral siya ng mga makabagong teknolohiya at makabagong pamamaraan ng pag-aalaga ng mga kambing na tinatawag na "Boer " breed . Ito ay isang uri ng kambing na pinaunlad mula sa bansang Timog Africa noong 1900 . Itong partikular na lahi ay mainam pagkunan ng karne . Hango ito sa salitang Afrikan na nangangahulugang "Boer " magsasaka .
Nagsimulang siya mag-angkat ng tatlong pakastahang Kambing na "Boer " at dalawang native na babaeng kambing . Kapag pinaghalo ang kanilang mga lahi ay lumalaki ang kambing at dumadami ang karne.

Paiwi
Ang Pag-iwi ang isang uri ng sistema kung saan pina-aalagaan ang mga hayop katulad ng kambing , baboy, kalabaw, baka at manok . Talamak ito sa mga lalawigan ng Katimugang Luzon na katulad ng Batangas , Laguna , Quezon at Rizal . Subalit ang maka-lumang pamamaraan ay ang pagbibigay ng tiwala ng may-ari ng hayop at sa nag-aalaga. Bukod sa walang kasiguraduhan kapag ang isang alaga ay namatay .
Sa sistema na pinalalawig ng DV Boer Farm , ang layunin ay ayusin at modernong pamamaraan ng pag-paiwi sa mga may-ari at sa nag-aalaga. Ayon sa mga datos lumalago ang populasyon ng bansa at mayroon pangangailangan sa mga pagkukunan ng ibang klase ng pagkain . Malaki ang potensyal na lumaki ang pangangailangan sa karne , gatas na mula sa kambing .

Turismo sa Sakahan
Nagsimula ang pamilya niya sa munting pangarap na paunlarin ang sakahan at may mga indibidwal na may-ari ng sakahan na nag-pa renta ng kanilang mga lupain sa Lian , Batangas. Ang simpleng kundisyon lang ay huwag putulin ang mga matatandang puno ng mangga at bigyan ng trabaho ang mga tao sa bayan .
Unti-unti na nakikilala ang sakahan hindi lang sa mga alagang kambing , kundi mga baka, tupa, mga heritage breeds ng manok na mula pa sa mga bansang Estados Unidos , Australia at Gran Britanya . Makikita din sa sakaran ang magagandang tanawin ng Nasugbu at karatig bayan.
May mga mag-aaral, pre-wedding nuptial , lokal na tourista at banyaga na nagsisimula pumunta sa DV Boer Farm. Mayroon silang magagandang kubo at pahingahan para doon sa mga grupo ng call center agents na gusto magkaroon ng tahimik na team building .
Mayroon din sila package na kasama ang pagkain ng mga sari-saring kakanin mula sa lalawigan ng Batangas at mga pagkain na hinahain ay mula sa mga tanim at produkto hango mula sa sakahan at karatig bayan . Masarap ang mga litsong biik na organiko , kalderetang kambing , sinampalukang Rhode Island Red na manok , sariwang prutas at gulay . Mga sariwang isda mula sa Nasugbu .
Bukod ito , nagbibigay ng libreng pagsasanay sa pag-aalaga ng mga kambing at pagpapalawig sa pa-iwi ng grupo. May isang tanyag na bangko ang nagsisimula na mag-pautang sa mga kasapi ng mga duktor and mga propesyonal na grupo na gustong makibahagi sa sistema ng Pa-Iwi.

Para sa dagdag kaalaman o impormasyon tungkol sa sistema at kung paano makakalahok sa programa:
G. Dexter A. Villamin -Presidente
Poblacion 1, Brgy . Balibago , Lian , Batangas
Cellphone :0917-208-9388