Kagandahan ng Kalikasan at Sayaw sa Lansangan sa Caracol 2017

Makulay na pagdiriwang ng Caracol na gaganapin bukas Pebrero 26 na magsisimula sa Circuit Mall ( dating Santa Ana Racing Circuit ) sa Makati .
Isa itong pinakamakulay na pista at mayroon sayawan sa mga lansangan ng lunsod ng Makati .
Ito ay isa sa mga taunang proyekto ng Museum and Cultural Affairs office ng pamahalaang lokal ng lunsod.
Ang salitang Caracol ay nagmula sa salitang Kastila na nangangahulugang kuhol.
Ipinapakita rito ang simbolismo ng kuhol bilang proteksyon sa kalupitan ng buhay.
Dito nakuha ang ideya ng pagdiriwang.
Ilan sa mga pinaka importante ng pagdiriwang ay ang iba't-ibang street dancing na may makukulay na 'costume na sinasalihan ng mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Makati.
Ang karaniwang tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan.
Iba't-ibang makukulay na kasuotan ang tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak, bunga, mga puno, at mga hayop.
Ang publiko ay inaanyayahan na sumali at lumahok .
Magsisimula ang parada and sayawan sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa Circuit Mall .