top of page

"PAG IINGAT AT PAG IWAS SA SUNOG, MAAGANG INILUNSAD"


Kung dati rati ang pag iingat at pag iwas sa sunog ay pinapasimulan sa buwan ng Marso, ngayon ay inagahan ito ng Bureau of Fire Protection-NCR matapos makapagtala ng 259 na insidente ng sunog mula Enero lamang ngayong taon.

Hamak na mas malaki ito kumpara sa 400 at 300 insidente ng sunog na nangyari sa buong taon ng 2016 at 2015.

Ayon kay Senior Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, BFP/NCR Fire Director ay inilunsad na ng kanilang tanggapan ang “Lingguhang Babala para Iwas Disgrasya" ngayon Pebrero pa lamang sa layuning huwag na mas lumaki pa ang insidente ng sunog.

Kahapon (Pebrero 26), kasama ng naturang ahensiya ang Association of Volunteer Fire Chiefs & Fire Fighters of the Philippines, Inc. ay nagsagawa ng malawakang motorcade sa buong Metro Manila.

Sa pangunguna ng kasalukuyang pangulo ng samahan Domingo Chan Chun Bok, George Go Pen Seung (President Emeretus), Angel Ngu pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) at mga Fire Marshals ng iba ibang lunsod sa kamaynilaan kasama ang mahigit isang libong volunteer sakay ng may 70 iba ibang behikulong gamit pang RESCUE, AMBULANSIYA at BUMBERO ay umikot sa mga pangunahin kalsada ng Metro Manila.

Layunin ng isinagawang motorcade na ipaalala at ipaabot sa mga mamayan ang kanilang programa para mag ingat at maiwasan ang sunog.

Nananawagan din ang grupo sa mga mamamayan, mga barangay officials kasama na ang mga traffic aide ng bawat lugar na mapagmanman sa trapiko at kung sakaling may nagaganap na sunog ay magbigay ayuda na mapaluwag ang daraanan ng mga bumbero at saklolo ng makadalo ng walang sagabal at mabilis.

Ipinapaabot din sa publiko na kung sakali magkakaroon ng sunog, tumawag at ipagbigay alam agad sa kanilang emergency number 160 16 ang insidente.

Who's Behind i-Scene TV
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page