Makulay na Sayawan sa Lansangan Ibinida sa Caracol 2017

Makulay at Masayang Pagdiriwang sa ginanap na Caracol 2017 sa Circuit Mall sa lungsod ng Makati noong linggo .
Pinasinayaan ang makulay na pagdiriwang ni Kgg. Abigail Binay (Punong Lungsod ng Makati). Nagsimula ang parada ng iba't-ibang barangay na may mga dalang banda at samut'-saring kasuotan na batay sa mga pang-kalikasan ang tema .
Ang Caracol ay nagsimula ipinagdiwang noong 1986 at nagsimula bilang isang simpleng pagdaraos na selebrasyon ng kapistahan na patron na San Ildefonso .
Nagsimula lumaki at lumawak ang selebrasyon at noong mga nakaraang pagdaraos ay inilipat ang taunang Caracol sa Circuit Mall .
Mayroon din partisipasyon ang Office of Senior Citizens Affairs of Makati City kung saan nagbigay pugay ang ilan sa kanila sa pagsayaw .
" To us in Makati , Caracol alludes not only to the city's firm commitment to a healthy and sustainable environment , but also to its resiliency against disasters arising from climate change," Makati Mayor Abby Binay .
Mayroon iba't-ibang kategorya sa bawat kompetisyon : Elementarya , Hayskul at Pang-Barangay.
Ang mga nakilahok sa elementarya ay ang mga sumusunod : General Pio Del Pilar-Main , Pembo Elementary , Makati , sa Hayskul : San Isidro National High SChool , Makati at Bangkal High School .
Sa Barangay naman nagkaroon nang pag-cluster mula sa tatlong barangay mula sa unang distrito ito ay ang:
Cluster 1; Bel-Air , Dasmariñas , Forbes Park , Magallanes , San Lorenzo at Urdaneta
Cluster 2; Bangkal, La Paz, Palanan, Pio del Pilar , SanAntonio , San Isidro at Singkamas
Cluster 3: Carmona, Kasilawan, Olympia , Poblacion, Santa Cruz , Tejeros at Valenzuela.
Bukod pa ito sa mga espesyal na pa-premyo katulad ng Pinakamagandang Kasuotan
noong parada.
Ang mga kasama sa parada ay ang Active Youth of Tejeros, Moda Kultura, Wild Tigris at Povo Echeverri .
Ang mga nanalo sa Pinakamagandang Kasuotan ay nagkamit ng Php 40,000 sa unang gantimpala, Php 35,00 sa ikalawang gantimpala at Php 30,000 sa ika-tatlong gantimpala.
Ang mga lupon ng inampalan ay sina Eng. Vizmina Osorio, Gng. Sylvia Lichauco de Leon, Bb. Misha Quimpo, Ginoo Gener Caringal, Bb.Ellen Fullido at ang nagsilbing chairman ng lupon ng mga hurado ay si Gng. Gemma Cruz-Araneta (dating kahilim ng Kagawaran ng Turismo , dating Manila Cultural and Heritage Commission Vice chairperson , dating pangulo ng Heritage Conservation Society at Kolumnista )
Listahan ng mga Nagsiwagi sa Pista ng Caracol 2017
Elementarya- 3rd Pio del Pilar Elementary School, 2nd Makati Elementary School , 1st Pembo Elementary School
Hayskul : 3rd Bangkal High School , 2nd Makati High School , 1st San Isidro High School
Barangay : 3rd : cluster 1 , 2nd cluster 2, 3rd cluster 4
Ang nagwagi at pangkalahatang kampeon ng taon sa lahat ng kategorya ay ang Pembo Elementary School na nag-uwi ng karagdagang Php 120,000 mula sa lunsod ng Makati
Ang mga kasama sa taunang kaganapan ay ang Circuit Makati, Ayala Land, Make it Happen , Make it Makati Initiative , Manila Bulletin at ang pamahalaang lungsod ng Makati .