top of page

Kababaihang Mambabatas sa Senado at Kongreso Lumikha ng Batas Sa Pagpapalawig ng Maternity Leave Law


Sa isang pakikipag-ugnayan ng dalawang babaeng mambabatas na sila Senadora Risa Hontiveros at Atty. Joy Anne Lai ( Chief of Staff ) kinatawan ng Diwa partylist Emmeline Aglipay -Villar

Nagkaroon ng mungkahing palawigin ang isang batas na nagsusulong sa mas mahabang maternity leave ng mga babaeng nagtatrabaho mula sa gobyerno at pribadong sektor .

" The Physical demand of pregnancy alone is challenging . a nine -month pregnant woman carries an average weight of 15 kilos . This is as heavy as regular hollow block or mid size microwave oven . Yet, this is but small fraction of the multiple burden of pregnancy ", Hontiveros said.

Ayon kay Atty. Anne Lai , Ayon sa isang pag-aaral mula sa United Nations Children's Emergency Fund ( UNICEF ) noong 2011. 65.5% o 4.3 milyon na mga batang Filipino ay nakakaranas ng mahabang pagkagutom at malnutrisyon . Ang malnutrisyon ay sinisisi sa 1/3 na dahilan ng kamatayan ng mga bata mula edad lima bababa.

Sa pagsasadula ang isang pisikal at maramihan pagpasan ng mga kababaihang mula sa pagbubuntis , ipinakita sa mga dumalo sa pagpupulong nga mga taga media at organisasyon ang isang sako ng buhangin at hollow blocks na may labing limang kilo ang timbang .

Noong isang linggo ang Senado ay pinasa ang " Expanded Maternity Leave Law of 2017 " na pinagkalooban and lahat na babaeng manggagawa ,hindi alintana ang katayuan sibil , pagiging lehitimo ng kanyang anak , 120 araw maternity leave na may bayad at opsyon na magkaroon na pagpapalawig na hanggang 30 araw na leave na walang bayad . Mayroon din opsyon na 30 araw inilaang para sa mga ama ng tahanan at kahaliling tagapag-alaga ng mga sanggol .

Sa bersyon ng Mababang Kamara (Lower House ) , kulang ng 20 araw ang naitakda mula sa bersyon ng Senado .

Ang kasalukuyan na 60 araw na leave ay hindi sapat kahit sa mga karatig na bansa sa Timog Silangan Asya na Thailand, Vietnam, Malaysia o Singapore.

 

Lawrence. D. Chan Email: l_rence_2003@yahoo.com lawrencechan15@yahoo.com Filipinas Stamp Collector’s Club–V.P. P.O.Box 2986,Manila Central Post Office Philippine Postal Heritage Walking Tour

Who's Behind i-Scene TV
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page